Saturday, March 22, 2008

Kumusta Naman Daw Ako Ngayong Holy Week?

Una sa lahat, tinamad akong mag-aral para sa Finals Week. Paano naman kasi, nasa vacation mode na ako tapos biglang magkakaroon ng Finals? Wala akong ginawa ngayong Holy Week kundi makipaglaro sa aking mga pinsan. Medyo sumagot lang naman ako ng problems galing sa sample test na ibinigay ni Sir Durwin Santos. Naku. Kumusta kaya ang magiging grade ko lalo na sa math at chem? Bahala na.

Ngayong Holy Week, nagkaroon na rin ako ng time para pag-isipang mabuti kung kumusta na ang lagay ng relasyon ko sa iba't ibang taong mahal ko. Napag-alaman kong hindi ko na nga talaga naaalagaan ang mga ito. Naramdaman ko ngayong bakasyon na sobrang namiss ako ng pamilya ko, lalo na si papa. Okay. Tanggap ko na na meron na siyang anak. Namiss din ako ng mga pinsan ko sapagkat sobrang saya nila nung dumating ako at gusto na agad makipaglaro sa akin. Gusto na nga rin tumabi sa akin sa pagtulog samantalang noon ay ayaw akong tabihan. Namiss din ako ng mga ibang kaibigan ko sa high school. Kahit magkakalayo kami, hindi nila ako nakalimutan at sabik silang makipagkita at makipagtelebabad sa akin. Well, hindi pala lahat. Masakit lang para sa akin na ayaw nang makipagkita sa akin ng bestfriend ko. May sinabi naman siyang rason ngunit---ahh basta. Alam ko magkalayo kami sapagkat sa Baguio siya nag-aaral at sa Manila ako. Bihira mag-usap at sobrang busy pero kung gusto pa rin naming maging magbestfriend may paraan, kung ayaw eh di maraming dahilan. Ahh...tama na. Nasaktan na ako ng maraming beses. Oo. Yug naramdaman ko ay parang nakipag-break sa boyfriend. Sinabi kong siguro kasi hindi ko pa naman naranasang makipagbreak at siyempre ayokong masubukan makipagbreak.

Kay Karlo naman, okay lang naman. Siyempre kailangan laging sumunod sa parents niya kung kelan kami puwedeng lumabas. Parang ako nga yung lalaki eh kasi mas ako yung pinapayagang lumabas with him. Haha. Niloloko ko nga siya kasi parang siya tuloy ang gf ko. Nyek. Once lang kami lumabas this Holy Week, sa mall lang kami. Ayaw niya kasi pumunta ng beach eh niyayaya ko siya. Twice ako napaiyak ni Karlo sa isang araw ngayong Holy Week. Una, kanina habang kumakain kami ng ice cream sa mall, nagsulat siya ng isang poem for me, nakakatawa yung mejo first part...pero ewan kung bakit at napaiyak na lang ako sa last part. Siguro kasi ang galing niya magsulat, nagawa lang niya yung poem within 10 minutes or siguro dahil naiyak ako sa tawa or baka naman mahal ko lang talaga siya kaya ako napaiyak? Ha. Ang labo ko. Gusto niyo ba mabasa yung poem na ginawa niya? Haha. Sige, share ko:

Summer oh it's so hot,
Like we're inside a boiling pot.
But with you, the heat I can bear.
Especially if I tossle your hair.
Eating ice cream and pizza with you,
What a joy to do.
Even if I am holding the umbrella,
It's okay, you are my little Cinderella.
I love it when we went to church together,
And you said I resemble my sister and mother.
I don't want to go to the beach today,
Maybe some other day?
I love you so much Justine,
To smell your hair with the scent of Pantene.
I miss you so much my wife,
You are the cream of my life..

Haha. Oh yun. Yung next na napaiyak niya ako dahil nakita ko yung scrapbook na gawa niya. It's not for me. He made it for a project. And naiyak na naman ako. Oo na. Iyakin ako. Para sa mga taong kilala talaga ako, alam na nila yun. Bakit ako naiyak? Uhm, may mga narealize lang kasi ako habang tinitignan ko yung scrapbook niya.

Anyway, masaya rin ako ngayong Holy Week kasi nakakain na rin ako ng masarap na luto ni tita at atsi Cion. Yay. Sa wakas, hindi na food from KFC, Mcdo, Shakey's o kahit ano pang kainan sa Katipunan. Nakakain na ako ng gulay at bangus. Yay. Ang sarap kaya ng bangus dito[Bonuan/Dagupan]. Namiss ko yun nang sobra.

Hayy, oh yun lang. Ang dami ko nang sinabi. Balik pa ako Manila bukas at may exam pa ako sa Monday at Tuesday. Rawr. Bahala na. Mamimiss ko buhay ko rito. Ano ba yan.. Magsesecond year na ko, hindi pa ako sanay sa buhay dorm at buhay sa univ.

No comments: