Saturday, September 29, 2007

Isang Sulat Ng Magulang Para Sa Kanyang Anak

I found this somewhere in the internet and it really made me cry. =C

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko,pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo 'yong sasabihin,maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas,ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon,magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana ... dahil naging mapagmahal kasa iyong ama't ina...

Let us learn to appreciate and be grateful to our parents and grandparents. Always love them and try to understand them even if we don't get along with them sometimes.

Monday, September 10, 2007

WE definitely bleed BLUE

I have blue blood running through my veins.
After all the trials we've been through like going to school at 9 pm (thursday) to line up for the selling of tickets the next day but ended up getting a GA ticket and going to Araneta at 7 am at the day of the game itself to buy an upper box ticket----it is ALL worth it.
You could really feel the school spirit in the big dome.
The blue babble was just behind us and I felt like my heart and the drums beat as one.
I wasn't able to watch the first ateneo-lasalle game in araneta but it's okay.
The second game was just as fun as the first one.
The outcome of any admu-dlsu game is never predictable.
Chris is, without a doubt, TIUperman.
I felt really bad when the score was 38-51 but then we caught up soon enough.
I can't stop cheering out loud and jumping up and down because the game was so intense.
Almost no one in Araneta was sitting down during the game.
Almost everyone was wild and cheering for their own team.
The big dome is full of people wearing only blue or green.
Maybe only a hundred people wore a different color of shirt aside from blue/green.
I was super tired after the game but really happy.
Here are pics taken after the game:






One Big Fight!
Go ATENEO!

Sunday, September 2, 2007

Ang Sarap Maging Atenista

Bakit nga ba?

-dahil maraming freebies
-dahil ang mga atenista ay men and women for and with others
-dahil masarap kumain sa Manang's
-dahil may mga kaibigan akong gaya nila Grace, Anna, Aimee, Chrissie at marami pang iba
-dahil maganda ang campus
-dahil ang daming pwedeng kainan sa may Katipunan
-dahil maganda ang LRT station sa Katipunan
-dahil maraming cute at hotties sa blue school
-dahil cool si Dean Ang

-dahil ang daming walang pasok noong Agosto
-dahil kasali ako sa ACLC at mababait mga tao doon

Ngunit kahit masarap maging atenista, nahihirapan pa rin ako... at bakit kaya?

-dahil kahit anong aral ang gawin ko 1.86 lang ang aking QPI sa advisory mark
-dahil naka C lang ako sa Filipino at ES Lec at D naman sa ES Lab
-dahil bagsak ako sa PE practical exam
-dahil ang gastos tumira dito sa Katips
-dahil ang layo ko sa aming home sweet home
-dahil nasa Baguio ang aking kisses
-dahil hindi ko kasama ang aking Zzy
-dahil tumataba na ako
-dahil yung Easy A daw na natsci ay mahirap din pala
-dahil dalawa ang basic subjects ko

-dahil ang tagal ng sembreak
-dahil hindi ko alam kung gagraduate ba ako sa unibersidad na ito o magpapaalam lang ba pagktapos ng isang taon?
-dahil hindi ko na yata matutupad ang aking pangarap na maging DL at makasama sa JTA

Ang tanging pangarap ko na lamang ngayon ay gumradweyt sa Ateneo kahit na hindi ako maging cumlaude/magnacumlaude/summacumlaude. Sapat na sa akin ang simpleng diploma na iaabot sa akin sa taong 2011.